Nagising ako matapos kong maramdaman ang mga titig saakin. Nag mulat ako ng mata at bumungad saakin ang kulay kremang kisame. Umupo ako at nakita ang isang propesor at si Lucius na nakatingin saakin habang nag uusap.
"She's awake." turo ni Sir saakin.
"I can see that." tumayo si Lucius at lumabas na.
Iniwan kami ni Sir na mahinang humalakhak naman at biglang natigil nang tila may naalala.
"I'm sorry, Miss Cohen...nakatakas ang nahuli naming pumatay kay Casheir at Camille at muntik ka nang maging biktima. Mabuti nalamang talaga at nahuli itong muli ni Lucius." paliwanag nito.
"Hindi din magiging ligtas ang inyong mansyon sa ngayon dahil narinig ko na nakarating na doon ang mga kalaban noong sinuspinde ang klase? Patawad at hindi namin agad iyon nabatid. Ang magagawa nalamang namin ngayon ay ang pagtaas ng proteksyon sa academy." paumanhin nito.
Sinadya ko talaga na hindi palabasin ang nangyaring iyon sa bahay ni Alezeia, kung sino man ang nag labas ng balita na iyon ay si Terrence na iyon dahil malapit ang mga ito sa Cohen.
"Ayos lang po...ayos lang din po ako." ngumiti ako dito para ipakita na ayos nga lang ako.
Shit, hindi niyo po kasalanan dahil ako ang may kasalanan nito! Clearly, sinadya ni Terrence na mag pahuli sa mga ito! At siguradong pakita lang din ni Terrence ang pag patay kay Casheir at Camille para ipalabas na hindi ako ang puntirya niya!
Damn! Gustohin ko mang lakihan na ang mana ni Alezeia ay hindi ko pa magawa sa ngayon!
"Mayroon bang namamagitan sainyo ng kapatid ko, Miss Cohen?" puno ng panunukso ang mata ni Sir ngayon.
Mabilis akong napangiwi at umiling agad. Natawa naman ito sa naging reaksyon ko.
"Wala po." umiling akong muli.
"Hmm?" ngumiti ito na para bang hindi talaga naniniwala at tumayo.
"Kung ganon ay siya na ang mag babantay muna saiyo...aalis na muna ako at kailangang litisin ang may sala." paliwanag nito at umalis na at iniwan akong nagulantang sa huli nitong sinabi.
ANO?! ANONG SI LUCIUS ANG MAG BABANTAY?!
Napatalon ako ng pumasok si Lucius na may kasamang nurse, oh iyong sinasabi ni Ella na kaakap ni Lucius bago ang pag suspinde ng klase?
Tumikhim ako at humiga nalang. Narinig ko ang pag papaalis noong Nurse na si Rein kay Lucius na agad naman nitong sinunod ng walang reklamo.
"Kamusta naman ang pakiramdam mo?" gamit ang isang malambing na boses ang tanong nito saakin.
Habang ni-che-check up ako nito ay napagtanto ko kung ano ang nagustuhan ni Lucius dito, hindi lang sa maganda ito, mabait din ito at makikita na isa itong kagalang galang na tao. Ilang minuto lang ay umalis na din nito at ilang minuto din bago muling pumasok si Lucius na blangko na naman ang mga mata.
Umalis ang nurse na si Rein dahil may kukuhanin lang daw ito saglit sa inventory. Inabutan ako nito ng tubig at tinanggap ko naman iyon. Natigilan ako sa pag-inom ng makita siyang nahiga sa sofa ng clinic.
Uhm, dito siya matutulog? Seryoso ba talaga si Sir na ito ang mag babantay saakin?
Hindi na ako kumibo pa at nahiga na ng maayos. Terrence was held captive by the Arcadian knights. Ano na kaya ang nangyayari sakaniya?
Nakatulog ako kakaisip kay Terrence.
