Cherreads

Chapter 5 - Chapter 4: A Message I Didn’t Expect to Send

Alex Point of View

Gabi na.

Tahimik na ang buong Domenic Mansion.

Malawak.

Maliwanag.

At elegante.

Pagkapasok ni Alex sa bahay—

naabutan niya ang parents niya sa dining area.

Ang ama niya—

Don Rafael Domenic.

Matikas, seryoso, at respetadong businessman. Siya ang founder at may-ari ng Academic Domenic University.

At ang mama niya—

Isabella Domenic.

Eleganteng babae, mabait, pero matalas ang mata pagdating sa anak niya.

Isabella:Alex, just in time. Dinner's ready.

Tahimik na umupo si Alex sa mesa.

Sunod-sunod na inihain ang pagkain.

Steak.

Soup.

Vegetables.

At wine para sa parents niya.

Habang kumakain—

nag-usap-usap sila.

Don Rafael:How was school?

Tahimik na sumagot si Alex.

Alex:Fine.

Isabella:Still busy with Student Council?

Alex:Yes, Mom.

Napansin ni Isabella na parang wala sa sarili ang anak.

Tumaas ang kilay niya.

Isabella:You seem distracted.

Napahinto si Alex sa pag-inom ng tubig.

Alex:Nothing.

Pero hindi kumbinsido ang mama niya.

Napatingin si Don Rafael sa kanya.

Don Rafael:May problema ba sa school?

Umiling siya.

Alex:No.

Tahimik ulit silang kumain.

Pero maya-maya…

napangiti nang bahagya si Isabella.

Isabella:Or maybe… a girl?

Biglang nabulunan si Alex.

Alex:Mom.

Napatawa nang mahina si Don Rafael.

Don Rafael:That's interesting.

Napailing si Alex.

Alex:Can we not?

Tumawa lang ang parents niya.

Pero sa loob niya…

hindi niya maitanggi.

May babaeng nasa isip niya.

At iyon si CJ.

Pagkatapos ng dinner—

umakyat si Alex sa kwarto niya.

Malawak.

Malamig.

Tahimik.

Humiga siya sa kama at tumitig sa kisame.

Napabuntong-hininga siya.

At hindi niya namalayang…

na-imagine niya si CJ.

Yung simpleng ngiti nito.

Mahabang buhok.

Tahimik na mukha.

At paraan ng pagsasalita nito.

Parang nakikita niya ito sa isip niya.

Bigla siyang kumurap.

At mabilis na napailing.

Alex:What is happening to me…?

Napaupo siya.

Kinuha ang cellphone sa bedside table.

Binuksan niya agad ang chat.

Diretso kay CJ.

Tahimik siyang tumingin.

Baka may message.

Baka may reply.

Pero…

wala.

Walang bagong chat.

Napabuntong-hininga siya.

Tumitig siya sa screen.

Nagdadalawang-isip.

Magcha-chat ba siya?

O hahayaan na lang?

Mahigpit niyang hinawakan ang phone.

Pagkatapos ng ilang segundo…

napangiti siya nang bahagya.

At nag-type.

📱 Alex:Good evening.

Saglit siyang tumigil.

Tapos nag-type ulit.

📱 Alex:Kumain ka na?

Napatitig siya sa message.

Hindi niya maintindihan kung bakit…

pero kinakabahan siya.

Si Alex Domenic—

ang lalaking hindi natitinag sa kahit anong bagay—

ngayon…

hinihintay ang simpleng reply ng isang babae.

At ang babaeng iyon…

si CJ.

CJ Point of View

Gabi na.

Tahimik ang paligid.

Nasa kwarto si CJ, nakaupo sa gilid ng kama habang hawak ang cellphone niya. Katatapos lang niyang kumain at tinulungan pa ang mama niya sa paghuhugas ng pinggan bago umakyat sa taas.

Pagod siya.

Pero hindi siya inaantok.

Napabuntong-hininga siya habang nakatitig sa screen ng phone.

Biglang—

ting!

May pumasok na notification.

Napakunot-noo siya at agad tiningnan ang cellphone.

Alex Domenic.

Bahagyang lumaki ang mata niya.

Mabilis niyang binuksan ang chat.

📱 Alex:Good evening. 📱 Alex:Kumain ka na?

Napatitig si CJ sa message.

Hindi niya inaasahang magcha-chat si Alex.

Lalo na sa ganitong oras.

Kinagat niya ang labi niya.

Nag-iisip.

Magre-reply ba siya agad?

Baka isipin masyado siyang excited.

Pero baka bastos naman kung hindi.

Napailing siya at napangiti nang mahina.

Nag-type siya.

📱 CJ:Good evening din. 📱 CJ:Oo, katatapos ko lang kumain. Ikaw?

Mabilis na na-send ang message.

At halos ilang segundo lang—

Seen.

Napakagat-labi si CJ.

Mabilis din nag-reply si Alex.

📱 Alex:Yeah. Katatapos lang din. 📱 Alex:What are you doing?

Napahiga si CJ sa kama habang hawak ang phone.

Kinakabahan siya.

Hindi niya alam bakit.

Pero parang iba ang pakiramdam.

Nag-type siya.

📱 CJ:Wala. Nasa kwarto lang. Ikaw?

Seen.

Ilang segundo.

Reply.

📱 Alex:Same. 📱 Alex:Can't sleep.

Bahagyang natawa si CJ.

📱 CJ:Bakit? Dami iniisip?

Saglit bago nag-reply si Alex.

Parang nagdadalawang-isip.

Then—

📱 Alex:Maybe.

Napatitig si CJ sa screen.

May kung anong kaba sa dibdib niya.

Tahimik.

Mabagal.

Pero ramdam.

Nag-type siya.

📱 CJ:School?

Seen.

Typing...

Typing...

Huminto.

Typing ulit.

Napakunot-noo si CJ.

At dumating ang reply.

📱 Alex:Or maybe someone.

Nanlaki ang mata ni CJ.

Parang uminit bigla ang pisngi niya.

Hindi niya alam bakit.

Napalunok siya.

Nag-iisip kung anong isasagot.

Si Alex ba…

may tinutukoy?

At kung meron…

sino?

Dahan-dahan siyang nag-type.

📱 CJ:Someone? Sino?

Seen.

Tahimik.

Mahabang ilang segundo.

Then—

📱 Alex:Secret.

Napailing si CJ pero napangiti.

📱 CJ:Ang unfair mo.

Reply agad.

📱 Alex:Maybe I'll tell you soon.

Napahawak si CJ sa dibdib niya.

Bakit parang…

iba ang pakiramdam?

Parang may nagsisimulang hindi niya maintindihan.

At sa kabilang screen…

si Alex.

Tahimik ding nakangiti.

Unang gabi.

Unang mahabang chat.

At posibleng…

simula ng mas malalim na koneksyon

📱 Alex: tulog kana ba cj

Napahinto siya.

Pero sa mismong sandaling iyon…

ding! ding! ding!

Sunod-sunod na messages.

GC: Girlish 💗✨

Napatingin si CJ sa notification.

Nagkakagulo na naman ang GC nila.

📱 Lyn: CJ!!! grabe si Ethan kanina HAHAHA

📱 Mich: UY yung kay Noah kanina sa class 😂

📱 Alfie: Girl may tsismis ako 😏

📱 Essa: Spill!!!

Napabuntong-hininga si CJ.

"Sandali lang…" bulong niya.

Binuksan niya ang GC.

At agad siyang na-drag sa kwentuhan.

Nagtagal sila.

Tawanan.

Asaran.

Tsismisan tungkol sa mga boys sa school.

Mahaba.

Masaya.

Parang nawawala siya sa oras

Habang nasa GC siya…

hindi niya napansin na may isa pang message si Alex.

Makalipas ang ilang minuto…

Napatingin ulit si CJ sa phone.

Nanlaki mata niya.

Alex.

📱 tulog kana ba cj

Napakunot noo siya.

CJ: Ay!

Hindi niya napansin.

Mabilis siyang nag-open ng chat.

Kinabahan siya bigla.

Nag-type agad.

📱 CJ: Sorry!! hindi ko napansin 😭

Seen agad.

Mabilis reply.

📱 Alex: Busy ka?

Napakagat labi si CJ.

Biglang na-realize niya…

Oo nga.

Naka-GC siya kanina.

Nag-type siya ulit.

📱 CJ: Oo… kausap ko kasi friends ko sa GC namin. Sorry hindi agad ako nakareply.

Saglit na tahimik.

Seen.

Typing…

Then—

📱 Alex: It's okay.

Pero si CJ…

biglang na-conscious.

Napaisip siya.

Bakit ko ba sinasabi lahat sa kanya?

Parang gusto niya mag-explain.

Parang gusto niya ipaliwanag kahit hindi naman kailangan.

Napabuntong-hininga siya.

Nag-type ulit.

📱 CJ: Sorry talaga kanina ha. hindi ko sinasadya.

Seen agad.

Typing…

Then:

📱 Alex: Don't apologize.

📱 Alex: Just reply next time.

Napahinto si CJ.

Parang may kakaibang bigat sa sinabi.

Pero hindi masungit.

Parang…

concerned.

Napangiti siya nang mahina.

📱 CJ: Okay…

Sandali.

Tahimik.

Tapos nag-type ulit si Alex.

📱 Alex: Sleep na.

Napahawak si CJ sa dibdib niya.

Parang ayaw pa niyang matulog.

Pero sumagot siya.

📱 CJ: Goodnight.

Seen.

At sa huling sandali…

📱 Alex: Goodnight, CJ.

Napatingin si CJ sa kisame.

Tahimik.

Pero sa isip niya…

"bakit parang ganito itong lalaki to baka kilala ako baka masamang tao o baka ano pero magaan pakiramdam ko sa kaniya pero hindi ko pwide isipin na mabait sya lalo na madaming tao ngayon manloloko,,makatulog na nga lang

At sa kabilang banda…

si Alex, nakatitig sa phone, hindi pa rin binababa ang screen. 💕✨

More Chapters