"Bakit gusto mong paalisin si Coach Lan?" Pagkatapos itanong ang line na iyon nakaramdam ng pagsisisi si Jacian sa puntong gusto niyang bawiin 'yung sinabi niya. Hindi na kailangang itanong 'to, gusto ni Lan ang kanilang captain at sobrang awkward para kay Just na nagkakasalubong sila sa base araw-araw, hindi lang 'yun, dahil coach si Lan at captain si Just madalas din silang nasa loob ng meeting room para pag-usapan ang panibagong strategy. Mabuti sana kung tinatago ni Lan pero masyado siyang honest at walang balak itago na may gusto siya sa kanilang captain. Straight si Just at kung siya ang nasa nakatayuan ni Just makakaramdam siya ng awkward.
Umubo si Jacian. "Kahit na may masamang intensyon ang isang tao sa akin, hindi naman ako nag-aalala. Ano bang magagawa niya?" Tanong ni Jacian at sinalo ang patay na dahon na nahulog. Pinunit niya iyon at tinapon sa kanyang gilid. "Pero mas okay naring hindi si Lan ang coach natin. Sobrang lakas niya mag-sermon."
Tiningnan siya ni Just nang nakakunot-noo. "Senermonan ka niya?"
"Mm. Pagbalik natin sa base."
"Anong sinabi niya sa'yo?" Tanong ni Just.
"Hindi ko na masyadong maalala. Umupo lang ako dun hanggang sa matapos siyang magsalita." Kalmadong nagpakawala si Jacian nang mahinang tawa. "Alam mo, hindi ko naman binibigyan ng atensyon yung mga ganitong bagay, hindi big deal as in kahit sermonan ako ng isang taon." Dagdag pa ni Jacian. Nilinga niya si Just at nakita niyang seryuso itong nakatitig sa kanya.
"Then, don't smoke anymore." Saad ni Just.
Napakurap si Jacian nang i-angat ni Just ang kanyang kamay at hawakan nito ang buhok niya. Pagkatapos, ngumiti ito ng maliit.
"Hindi na kita hahayaang mamatay ng six times."
Dahil sa sinabi ni Just, nagpakawala si Jacian ng tawa.
"Gusto ko 'yang ginagawa mo, hinahawakan yung buhok ko. Parang gusto kong matulog." Walang hiyang sambit ni Jacian.
Ngumiti naman si Just dahil sa pagiging honest ni Jacian. Mula sa ulo ni Jacian bumaba ang kamay niya sa batok nito at marahan itong minasahe.
"Mas nakakaantok 'to." Saad ni Just habang minamasahe ang malambot na batok ni Jacian.
"...Mm, sarap niyan."
Just: "..."
_
Sa sumunod na araw, tahimik ang kanilang gc at nang magising si Jacian, 10 a.m na iyon ng tanghali. Wala na ang mahabang good morning ni Lucky at tanging chat lamang ni Mrs. Sojurn ang makikita sa gc.
[Training - 10:30 a.m sharp.]
Nag-iisang message lang iyon at nang mabasa ni Jacian, mabilis siyang bumangon at kaagad pumunta sa kanyang bathroom para maligo.
10:29 nang bumukas ang pinto ng training room at pumasok si Mrs. Sojurn, naka plain t-shirt lang ito at pants. Nilapag nito ang laptop sa mesa at nilinga ang mga players. Nakaramdam ng kaba si Lucky at White at parehong nilamig ang kanilang kamay patungo sa kanilang tiyan sa puntong sumakit ang tiyan ni Lucky at gusto niyang mag-cr.
"Umupo kayo, bakit mga nakatayo kayo? Wala tayo sa school." Seryusong saad ni Mrs. Sojurn. Umupo silang lahat katulad ng sinabi ni Mrs. Sojurn. "Na-review niyo na ba 'yung match niyo sa EXTRA?" Tanong nito habang nakatingin sa cellphone, makalipas ang ilang sandali nang walang sumagot. Kunot-noong nag-angat ng tingin si Mrs. Sojurn. "Bakit walang sumasagot? Hindi ko naman kayo kakainin, may asawa't anak na ako." Dagdag pa nito. Sinabi niya iyon gamit ang nakakatawang paraan at gusto nilang tumawa ngunit seryuso ang ekspresyon ni Mrs. Sojurn na animo'y hindi siya nagbibiro.
Pinaglapat nila ang kanilang labi at piniling lunukin ang tawa.
Si Just na sanay nang makarinig ay awkward na sumandal sa gaming chair. "Hindi pa." Sagot niya sa tanong nito.
"Mn." Ani Mrs. Sojurn. "Forget it. H'wag na nating panoorin ang match na 'yun, sobrang tragedy kung papanoorin pa natin ang six times deaths ni Boss." Halatang hinahanap ni Mrs. Sojurn ang match nila sa EXTRA at nang sabihin niya iyon pinatay niya ang kanyang cellphone at inilapag sa mesa.
Abala naman si Jacian kaka-scroll sa mga hero habang nakikinig ng sasabihin ng kanilang coach.
Binuksan ni Mrs. Sojurn ang kanyang record book para pumili ng line-up. "Anong server ang gamit niyo?"
"International." Sagot ni Just.
"Okay, naka-alt account naman kayo diba? No problem. Gamitin niyo ang line-up na 'to at sa next game kailangan ko ng commander. Alright, p'wede na kayong mag-training." Naglakad si Mrs. Sojurn patungo sa mesa at binuksan ang computer. Nagsimula namang mag-Q ang lima at nang mag-popped up ang canyon sa malaking TV ng training room, sumandal si Mrs. Sojurn sa kanyang gaming chair para manood.
Wala namang pinagkaiba sa line-up ni Lan ang line-up ni Mrs. Sojurn at halatang line-up iyon na ginawa ni Lan. Pakiramdam nila nagamit na nila noon 'yung ganitong line-up dahilan pamilyar sila sa rhythm, at wala pang 8 minutes nang mabasag nila ang crystal.
Makikita ang malaking VICTORY na nakasulat sa malaking screen ng TV.
Umikot si Mrs. Sojurn para harapin sila. "Line-up 'to na ginawa ni Lan, nakita ko lang sa gc nang mag-backread ako." Ani Mrs. Sojurn.
Dahil sa narinig napakagat-labi si Lucky, marami pa naman siyang sinend na random post at mga walang kwentang video. Nilinga niya si Gem ngunit nakita niyang seryuso ito habang nakatingin sa results.
"Sino madalas maging commander niyo?"
Lahat sila ay tinuro si Gem gamit ang kanilang mga mata. Tumango si Mrs. Sojurn.
"Practice this line-up. Magaling ang Fantastic Era sa late game kaya kailangan niyong i-target ang marksman nila sa early. Magpapa-schedule ako ng practice match sa susunod na araw." Saad ni Mrs. Sojurn at binalingan si Just at Jacian. "Nag-doudouqueue ba kayong dalawa?"
Natigilan silang dalawa sa loob ng isang segundo bago umiling si Just. Kumunot ang noo ni Mrs. Sojurn.
"Jungler at mid laner hindi nag-doudouqueue?" Nagtatakang tanong niya sa kanyang sarili.
"Mas gusto ni Lan na mag-Q kaming lima." Sagot ni Just.
Bahagya lamang kumunot ang noo ni Mrs. Sojurn at animo'y nagtaka sa narinig. Kumpara sa farm lane dou, ang jungler at mid laner ang dapat na laging nag-doudouble Q dahil importante ang tacit understanding nila sa game map. Lalo na pagdating sa pagkuha ng mga objectives, sobrang hirap kumuha ng advantage sa resources kung walang tacit understanding ang jungler at mid laner.
"Okay, mag-doubles kayo pagkatapos niyong mag-Q sa international server." Saad ni Mrs. Sojurn at tumalikod para lumabas ng training room.
Ini-adjust nila ang phone holder para magsimulang mag-Q. Pagkatapos ng isang match, nag-doubles si Just at Jacian at nag-doubles din sina Lucky at Gem, habang si Blue ay nag-sosolo Q.
Makalipas ang dalawang oras, kumatok si Lacey sa training room at tinawag sila para kumain, pagkatapos nilang kumain bumalik sila sa training room para ipagpatuloy ang kanilang training.
Madilim na sa labas at tanging ilaw nalang ng kanilang mobile phone ang nagliliwanag, naliliwanagan nun ang mga mukha ng limang players na seryusong nakatuon ang atensyon sa screen. Nang bumukas ang pinto at pumasok si Mrs. Sojurn nakita niyang naroon parin ang mga players.
Umupo siya sa kanyang mesa at hinintay silang matapos. Makalipas ang ilang sandali at maririnig ang sunod-sunod na victory sa loob ng training room. Nilapag nila ang gaming phone sa phone holder at tinanggal ang suot nilang noise-cancelling headphones, tumayo naman si Mrs. Sojurn at sumandal sa dulo ng mesa.
"Napuno niyo na ba ang quota niyo sa loob ng isang buwan? Wala na kayong training ngayong gabi, gamitin niyo ang oras na 'to para mag-livestream. Alright, p'wede na kayong maghapunan, nag-hire ako ng chef kakatapos niya lang magluto." Matapos sabihin iyon, bumalik si Mrs. Sojurn sa kanyang mesa at binuksan ang computer para i-review ang training nila ngayon.
Tumayo naman ang mga players at dumeritso sa kusina. Kakaalis lang ng chef sabi ni Lacey kaya hindi na nila naabutan, sobrang sarap ng pagkain na nasa mesa at dahil sa pagod kakalaro naubos kaagad ang pagkain na nakahanda sa mesa.
Tumayo si Jacian at lumapit sa water dispenser para kumuha ng tubig, nagpaalam na siya sa kanila at lumabas ng kusina bago umakyat sa second floor. Naligo siya at kinuha ang cellphone bago sumandal sa headboard, nag-solo Q siya sa Chinese server ng tatlong oras at nang ma-satisfied nagdesisyon siyang matulog.
Sa sumunod na araw, maagang nagsimula ang kanilang training. Naroon ang second string ng FTT sa training room at binati siya ng mid laner nila nang pumasok siya sa training room. Balak sana nitong makipag-Q ngunit dumating si Mrs. Sojurn at sinabing i-arrange na ang kanilang mga equipment para magsimula. Magkakaroon sila ng match sa second string ngayon ayun sa training plan ni Mrs. Sojurn.
Nang magsimula ang ban/pick phase, sinabi ni Mrs. Sojurn na i-ignore ang ban spot at piliin ang hero na nakalagay sa kanyang line-up. Nang marinig ang mga hero na binanggit ni Mrs. Sojurn, hindi nila maiwasan ang hindi magulat. Pumili siya ng mga assassins hero, parehong jungler at mid laner. Hindi na ito katulad sa line-up ni Lan at mukhang si Mrs. Sojurn na ang gumawa, hindi rin naman sila nahirapang makuha ang tamang play ng ganitong line-up kahit na may assassin mage sa mid lane dahil ganitong line-up ang madalas nilang gamitin nung si Coach Dang pa ang kanilang coach. Nasubukan narin nila ang assassin mage ni Jacian at masasabi nilang mas intense at challenging ang laban pero smooth parin naman nilang makukuha ang victory.
Nang makitang ni-lock ni Boss si Mai Shiranui para sa kanyang pick, bahagyang nanginig ang kamay ng mid laner ng second string. Si Mai Shiranui ang ginamit nito last match nila bago ang first match ng FTT sa regular season, ginamit niya si Mai Shiranui ngunit hindi niya nagawa ang tamang play, squishy hero ang pinili ni Boss nung time na 'yun at Princess Frost ang ginamit nito para pang-counter sa Mai Shiranui niya. Ilang beses siyang na-solo kill ni Boss dahil sa lakas ng crowd control at hindi niya magamit ang kanyang mobility, naisip niya noon na baka mahirap talagang gamitin ang Mai kapag may Princess Frost sa kalaban para lang i-gaslight ang kanyang sarili. Ngunit ngayon, nilabas ni Boss si Mai Shiranui at hindi na siya makapaghintay na makita ang play nito.
Hindi na nagdalawang isip ang mid laner ng second string at nilabas si Princess Frost para pang-counter kay Mai Shiranui. Ito ang pinang-counter ni Boss sa Mai Shiranui niya kaya bakit naman hindi niya gamitin pang-counter sa Mai Shiranui ni Boss? Nang makita ang dalawang hero sa mid lane nagpakawala si Jacian ng mahinang tawa. Nagpalitan sila ngayon ng hero.
Pagkatapos ng countdown, nagsimula na ang kanilang practice match. Binigay ni Mrs. Sojurn ang pagiging commander kay Jacian, napanood niya ang ilan sa mga stream ni Jacian at mas confident siya sa strategy nito. Sa katunayan, kinuha niya si Jacian dahil magaling itong mag-command, madali lang maghanap ng magaling na player pero sobrang rare lang ng magaling na commander. Kukunin niya sa team si Jacian kahit gaano pa kataas ang signing fee.
B07 ang format ng kanilang match at parehong line-up lang ang kanilang ginamit. Ang akala ng mid laner ng second string magiging smooth ang play niya matapos piliin si Princess Frost sa mid lane, may advantage naman siya sa early game ngunit pagdating sa mid game na burst kaagad siya ni Jacian nang walang kahirap-hirap. Ito ang nakakatakot kapag mayroong Mai Shiranui sa kalaban dahil hindi mo alam kung nasaan siya at bigla-bigla nalang may lalabas sa damuhan, at wala kang magagawa kapag nahuli ka ng isang Mai Shiranui dahil putok talaga ang HP ng hero kapag nadikitan niya. Not to mention na squishy hero pa si Princess Frost.
Makikita ang pagluluksa sa itsura ng second string matapos ma-defeat ng ilang beses. Hindi naman sila dinurog ng FTT at kitang kita naman na umiiwas pang makakuha ng kill ang FTT at focus lang sa pagbasag ng tower, kahit si Jacian ay hindi rin tinarget ang mid laner ng second string kung hindi kinakailangan kahit na maraming beses itong nagkamali ng posisyon. Tinapos lang nila ang match sa loob ng 7 minutes.
Kahit hindi kumuha ng maraming kills ang FTT, kayang kaya nilang makalamang sa gold. Sa loob ng 7 matches hindi na tumaas sa 7 ang nakuha nilang kills sa second string. Samantala, walang nakuhang kill ang second string at tanging bawas lamang ng tower ang nagagawa nila sa bawat game.
