Cherreads

Chapter 107 - Chapter 105: I'm alright, you're sick.

Sakay ng team van, isa-isang lumabas ang mga players ng FTT at naglakad papasok sa venue. Dumeritso sila sa break room at umupo sa sofa habang hinihintay ang oras ng kanilang match. Maayos na ang pakiramdam ni Just matapos uminom ng gamot nitong mga nakaraang araw kaya pinayagan siya ni Mrs. Sojurn na maglaro. Team Pro-PH ang kalaban nila ngayon at katulad ng All-round PH isa rin ang Pro-PH sa mga nakalaban nila sa practice match na wala silang talo. Bawas ang pressure kaya kahit narinig nilang may kumatok na staff sa kanilang break room at sinabing magsisimula na ang kanilang match, nakangiti parin si Lucky habang kinakausap si Gem na ngayon ay buryong na nakikinig sa kanya.

Umakyat na sila sa stage at sinuot ang kanilang noise-cancelling headphones nang magsimula ang countdown sa big screen. Ginamit nila ang Sun/Bai/Yang line-up at hinayaang kunin ni Lucky ang hero na gustong niyang gamitin, nagbabalak na si Lucky na kunin si Chano kapag binan si Hou Yi ngunit hindi binan ng Pro-PH ang kanyang signature hero kaya ni-lock niya na kaagad kay Hou Yi.

Nang umabot sa 4 minutes ang laban, nakuha ng FTT ang mga objectives at na-ACED kaagad ang Pro-PH sa unang teamfight, hindi nila dinurog ang Pro-PH dahil nang makakuha sila ng advantage nag-tower lock na sila kahit na buhay pa ang tatlong members ng Pro-PH. Wala namang balak mandurog ang FTT dahil sinabihan sila ni Coach Dang noon na h'wag mangigigil at ibalik lang kung ano ang nawala nila. Mabilis nilang tinapos ang match sa pamamagitan ng lane management at kahinaan ng Pro-PH ang lane management kaya hindi nila napansin ang mga minions ng FTT na nandun na sa kanilang crystal habang sila ay abala sa pakikipag-teamfight sa FTT. Hindi rin sila hinayaan ng FTT na umuwi dahil tuwing nag-rerecall sila natataman sila ng basic attack ni Lucky at hindi sila makapag-recall, sa huli sumabog ang kanilang crystal.

Naging smooth ang laban nila at nakakuha nanaman sila ng clean wins, kapag natalo nila ang TK sa susunod na match makakapasok na sila sa group A next round. Bagaman, kahit hindi sila makapasok sa group A secured parin sila sa playoffs kung hindi sila mahuhulog sa group C, dahil group A at B lang ang makakapasok sa playoffs. As long as hindi sila matalo ng isang series makakapasok sila sa playoffs.

Si Lucky nanaman ang MVP ng match kaya walang tigil ang kanyang bibig habang nasa byahe, katabi niya si Gem na nakasandal sa upuan habang tahimik na nakapikit. Kinakausap niya ito habang sinasagot naman siya ni Gem ng mahinang 'mm...'

Samantala, nakapasak sa tenga ni Jacian ang sira niyang earphone habang nag-i-scroll sa kanyang friend list. Katabi niya si Just at pareho silang nasa back seat habang nakaupo siya malapit sa bintana. Sinandal ni Jacian ang kanyang ulo sa binata at nag-scroll sa kanyang friend list ngunit huminto ang paggalaw ng daliri niya nang makita ang username ni XiaoWang.

Matagal na nung huling nag-usap sila ng big spender niya at sa tantiya ni Jacian ay halos dalawang buwan na ang makalipas. Ang huling sinabi sa kanya ni XiaoWang ay mawawala lang ito ng ilang linggo dahil aalis ito ng bansa ngunit ngayon ay dalawang buwan na ang makalipas at hindi parin ito nagpaparamdam, lagi rin itong offline sa Chinese server at international server kaya hindi niya alam kung naglalaro pa ba ito. Anong balak nito sa binili nitong 1000 games? May 475 games pa silang kailangan laruin at hindi alam ni Jacian kung kailan nila ito matatapos. Kung hindi na naglalaro si XiaoWang, ibabalik niya nalang siguro ang bayad sa natirang laro.

Nilinga ni Just si Jacian at nakita niyang nakasandal ito sa bintana habang nakatingin sa kanyang cellphone, makikita ang mabigat na ekspresyon nito habang seryusong nakatitig sa screen. Nakababa ang zipper ng jacket nito hanggang dibdib at nakapasak ang earphone sa kanyang tenga. Bahagyang kinalabit ni Just ang siko nito dahilan para matauhan siya. Tinanggal ni Jacian ang kanyang earphone at tiningnan si Just, umayos narin siya ng upo at nilagay sa bulsa ng team uniform ang kanyang cellphone.

Tinitigan niya si Just na kanina pa nakatingin sa kanya, dahil sa lalim ng titig ni Jacian bahagyang nilihis ni Just ang kanyang ulo para tumingin sa harap. Nababahiran ng awkward ang kanyang mga mata ngunit hindi iyon napansin ni Jacian. Narinig niyang nagpakawala si Jacian ng mabigat na buntong hininga dahilan para lingain niya ulit ito. "Bakit?" Tanong niya.

Umiling si Jacian. "Wala naman, meron lang akong isang client na bumili ng games na hindi pa namin natatapos, pero ngayon hindi na siya nagpaparamdam." May pagtatakang lintaya ni Jacian.

"'Yan ba yung top 1 VIP sa livestream room mo?"

"Mm." Sagot ni Jacian bahagyang yumuko, ngunit maya-maya lang nilinga niya ulit si Just. "Pano mo nalaman?" Tanong niya.

Sinabi naman ni Just na nabanggit niya noon nung unang practice match nila sa second string, ilang segundo pa ang makalipas nang tumango si Jacian at napa 'oh' nang maalala niya.

Maririnig parin sa loob ng van ang boses ni Lucky hanggang sa marating nila ang base, tuluyan nang hindi nakatulog si Gem at inaantok pang lumabas sa van. Pagbalik nila sa dorm nag-chat si Mrs. Sojurn sa kanilang gc na mayroon silang practice match bukas sa Team RG. Dalawang linggo pa bago matapos ang match ng group C at group D kaya mahaba pa ang oras nila para makapaghanda sa susunod na round. Kung ma-popromote sila sa group A next round isa sa mga makakalaban nila ay Team GOT-G at HUV, hindi pa nahuhulog ang dalawang team na ito sa group B at hindi rin natatalo sa isang series, mainit ang laban sa group A dahil nand'yan apat na malalakas na teams at sa list palang ng kanilang mga team names ay sasakit na ang ulo ng coach kung ano nanamang strategy ang gagamit nila para matalo ang mga ito sa isang series.

Mahigpit ang format ngayon ng PKL dahil hindi na SRR o single round robin ang ginamit nilang format. Kahit hindi sabihin ng committee alam nila ang dahilan kung bakit masyadong mahigpit ngayon ang format sa regular season, mapapansin naman na sobrang hina pa ng PKL teams pagdating sa global competition at madalas 2-0 pa ang nagiging score. Sinabi rin ng mga fans na kailangan higpitan ang format para makita kung sino talaga ang tunay na malakas. Kung hindi rin hihigpitan ng PKL hindi sila manonood, kaya walang choice ang PKL kundi higpitan ang format.

Wala namang problema ang mga clubs at sang-ayon sila sa rules dahil napapansin din nilang masyado nang mababa ang win rate ng PKL sa global competition. Kung hihigpitan ang format, mas sisipagin mag-training ang mga players para makapasok sa playoffs.

May apat na round ang regular season at may apat din na group, sa apat na groups ay mayroong 16 teams, sa 16 teams walong team lang ang kukunin na maglalaro sa playoffs at iyon ang group A at B. Nasa group B ang FTT at isang beses palang silang natalo, kung makakakuha sila ng mataas na points sa group B ma-popromote sila sa group A at mahihirapan na ang mga teams na pabagsakin sila sa group B.

Ngunit masyadong mahigpit si Mrs. Sojurn at sinabi nitong kung hindi sila ma-popromote sa group A paano pa sila makakapasok sa playoffs? Kung hindi sila ang magiging domestic champion paano nila matatalo ang global teams? Ang matalo sa bawat match ay isa sa sign na hindi nila makukuha ang world championship trophy.

Hindi lang sila ang nag-t-training araw-araw, lahat ng teams ay walang tulog para mag-training. Matagal pa ang KWC ngunit masyadong malalakas ang ibang region kaya kinakailangan nilang mag-training para sa pride ng PH. Laging nasa training room ang mga players ng FTT at tuwing matatapos ang kanilang training, nag-lalivestream sila para sa kanilang quota.

Kahit si Gem ay inaantok pa habang nag-lalive, hindi siya nag-lalive kapag wala si Lucky kaya laging nasa training room si Lucky para tulungan si Gem na punuin ang quota.

Wala naring oras si Jacian na palakad-lakarin si Spree kaya ang kanilang lead coordinator na ang gumagawa nun tuwing umaga, natatakot si Jacian na baka maka-kagat ito sa labas kaya tuwing busy ang kanilang lead coordinator hindi niya na ito pinapalabas sa base.

Nagpa-schedule si Mrs. Sojurn ng practice match sa KPL teams ngunit sinabi nilang hindi sila tumatanggap ng practice match, ilang teams ang kinausap ni Mrs. Sojurn ngunit may ilang teams na nagsabi na papayag silang magkaroon ng practice match kung makikipag-solo si Just sa kanila.

Pinatay kaagad ni Mrs. Sojurn ang tawag nang marinig ang sagot sa kabilang linya. Hindi nila maiwasan ang hindi pagkunutan ng noo, private ang practice matches ng mga teams at normal sa e-sports circle ang magkaroon ng practice match, pero ang gusto ng KPL teams kailangan makipag-solo ni Just sa kanila bago sila papayag sa practice match.

Alam ni Jacian ang plano nila, marami na siyang nakitang ganito kaya hindi niya maiwasan ang hindi mapailing. Naagaw niya naman ang atensyon ng kanyang teammates.

"Bakit parang natutuwa ka pa na wala tayong practice match sa KPL teams. KPL teams ang pinakamalakas sa HoK at maraming division ang nagpapa-schedule ng practice match sa kanila. Tsk!" May panghihinayang na saad ni Lucky.

"Hindi mo ba narinig 'yung sinabi ng manager nila? Kailangan pang makipag-solo ni Captain bago sila papayag sa practice match. Kapag nakipag-solo si Captain sa kanila at pumayag sila sa practice match, tingin mo mga starters ang papalaruin nila? Mga substitute players ang pinapalaro nila sa practice match." Lintaya ni Jacian. "Makakakuha lang sila ng ideya kung paano makipag-1v1 si Captain, pero tayo? Wala tayong mahihita." Dagdag pa ni Jacian na ikinatahimik ni Lucky. Maya-maya lang nilinga niya ulit si Lucky. "Andali mo pala maloko."

Lucky: "!!!" Kasalanan niya bang mabilis siyang magtiwala?

Sa huli, wala silang choice kundi ang magpa-schedule nalang ng practice match sa PKL teams. Sinabihan sila ni Mrs. Sojurn na manood nalang ng regular season ng KPL para makakuha sila ng ideya.

Salubong ang kilay na inayos ni Jacian ang gaming phone. "Kapag nagpa-schedule din sila ng practice match sa atin h'wag natin tanggapin."

Hindi mapigilan ni Lucky ang hindi matawa. "Bata ka ba? Para kang inaway." Natatawang tanong niya.

"I'm alright, you're sick." Sagot ni Jacian.

Lucky: "???????!!!!!" Holy shit! Ayaw niya ng makipag-usap.

Tinawanan din ni Blue si Lucky kaya lalong sumama ang kanyang mukha. Madilim na sa labas nang matapos ang practice match nila sa Team RG, nakailang beses pumasok sa training room ang kanilang lead coordinator para dalhan sila ng pagkain.

Kahit si Mrs. Sojurn ay nakisama narin sa kanila kumain ngunit sumubo lang ito ng ilang sandok at bumalik na sa kanyang mesa. Alas dos na pero nagkaroon pa sila ng discussion, humihikab na si Lucky at bumabagsak narin ang ulo nito sa balikat ni Gem, ginagalaw naman ni Gem ang kanyang balikat para matauhan ito.

Nang bumalik na sila sa kanilang dorm, dumeritso na kaagad sila sa kanilang kwarto para matulog.

More Chapters