Laban ngayon ng group A sa regular season kaya mas maraming audience ang nanonood kumpara sa group B, C at D. Nagsimula naring i-analyze ng dalawang commentators ang maaaring maging pick ng dalawang team matapos makita ang 4 ban spot ng dalawang team.
Blue side para sa RG at red side naman para sa FTT. Si Augran ang first ban ng RG at Arli naman para sa first ban spot ng FTT na siyang signature hero ni Water, binan ng RG si Jing at binan naman ng FTT si Loong. Dalawang jungler hero ang naka-ban para sa side ng RG at dalawang marksman din naman ang naka-ban para sa side ng FTT. Kung mapapansin last season nung nagkaharap ang FTT at RG, nag-banned ang FTT ng apat na marksman para lang mabawasan ang pressure kay Lucky, tatlong jungler heroes naman ang binan ng RG para hindi ma-gank si Water. Ganun kalaki ang respeto nila kay Just bilang pinakamalakas na jungler sa PKL at kay Water na isang Filipino shooter.
Makikita sa second ban spot ng RG na naka-banned si Jing, isang assassins jungler na hindi pa nalalabas ni Just sa tournament. Ito ang ipinagtataka ng mga fans, kung bakit binabanned ang Jing ni God J samantalang hindi pa nila ito nakitang ginamit ni Just sa tournament. Ngunit alam naman nila ang galing ni Just sa paghawak ng hero at baka hindi nila alam na-training na ito ni Just at gugulatin nalang sila sa tournament. Isa rin si Jing na magaling mang-gank at walang laban ang mga marksman hero katulad nila Luban No.7 na kulang sa mobility, ito siguro ang iniisip ng mga teams kung bakit nila binabanned ang Jing ni God J.
Sa ban spot naman ng FTT ay naka-banned sina Arli at Loong, ang pinakamalalakas na marksman sa farm lane. Naintindihan din ng mga fans kung bakit binan ng FTT sina Arli at Loong, dahil nasa blue side ang RG at sila ang unang pipili, kung papakawalan ng FTT ang isa sa dalawang hero na 'to siguradong hindi magdadalawang isip ang RG na kunin ang isa.
Nang makita ng mga players ng RG ang ban spot ng FTT, hindi nila mapigilan ang hindi mamangha.
"Dalawang marksman? Hindi naman siguro magbabaned ng apat na marksman ang FTT ngayong season, diba?" Tanong ng kanilang support na katabi ni Water sa kayang kanan.
"Ikaw ang target, Captain." Saad ng kanilang jungler.
Tumawa si Water. "Relax, napakalalim ng hero pool ko." Kalmadong saad niya.
Alam ng RG na malalim ang hero pool ng kanilang captain ngunit limit lang ang hero na kaya nilang gawaan ng line-up sa hero na kukunin ni Water. Malakas ang kanilang captain ngunit kailangan nilang bigyan ito ng malakas na proteksyon sa early para magkaroon ng silbi sa late game.
Prente namang sumandal si Jacian sa kanyang gaming chair habang tinutoktok ang mga daliri sa mesa. Nang makita niya si Jing sa second ban spot ng RG kumunot ang kanyang noo at nilinga si Just sa kanyang kanan.
"Ban si Jing, nagamit mo na ba si Jing noon? Wala akong napanood sa mga Pov mo na ginamit mo si Jing." Nagtatakang tanong ni Jacian.
Nilinga naman siya ni Just. "Isang beses kong ginamit sa rank game habang nag-lalivestream ako." Sagot niya na tinanguan ni Jacian. Hindi niya pa nagagamit si Jing sa tournament kaya nagtataka rin si Just kung bakit ito binabanned, ginamit niya lang ito ng isang beses sa rank game nang mag-request ang isang fan. "Nanonood ka ng Pov ko?" Biglang tanong ni Just.
Natigilan naman si Jacian. Tiningnan niya ulit si Just na ngayon ay nakatitig sa kanya. Deritso siyang tiningnan ni Just sa mga mata kaya hindi maiwasan ni Jacian ang hindi makaramdam ng kaunting awkward. Bahagya siyang tumango.
"..Y-Yeah." Sagot niya.
Binawi ni Just ang kanyang paningin. "Mn. Kaya pala."
Nilinga siya ni Jacian. "Kaya pala ano?"
"Kaya pala nakatulog ka sa match." Dagdag ni Just.
Jacian: "..."
Inaabot siya ng madaling araw kakapanood ng Pov ni Just dahil gusto niyang makita kung ano ang strategy nito, tuwing may training at practice match lang pumupunta sa training room si Just kaya hindi siya makahanap ng tyempo para itanong ang tungkol sa mga match strategy na ginagamit nito. Kahit mag-livestream ito ay nasa loob din ng dorm kaya wala talagang ibang paraan kundi manood nalang ng Pov ni Just. Kailangan nilang magkaroon ng malalim na tacit understanding dahil may fourth round pa ng regular season bago ang playoffs.
Pareho na nilang itinuon ang kanilang atensyon sa gaming phone nang marinig ang sinabi ni Mrs. Sojurn sa noise-cancelling headphones, inisa-isa ni Mrs. Sojurn ang plano nila pagdating sa pagkuha ng resources at tahimik namang nakikinig ang FTT para kumuha ng ideya.
Lumabas ang first pick ng RG at ni-lock nila iyon kay Sun Ce. Kinuha ng FTT si Hou Yi para kay Lucky at Dolia para sa double ultimate. Malakas na sigawan ang maririnig sa audience area nang lumabas ang 2 picks ng FTT, Hou Yi/Dolia ang kanilang farm lane dou at mapapansin kaagad na si Lucky ang kanilang core. Sinagot naman iyon ng RG ng Marco Polo at Liu Shan.
Commentator Zia: "Oh, Hou Yi laban kay Marco Polo!"
Commentator Waver: "Ako Hou Yi. FTT ako dito, feeling ko talaga mananalo FTT dito." Nakangiting saad niya.
Commentator Zia: "FTT ka? So RG ako." Ani Commentator Zia at tumingin sa line-up. "Bakit parang feeling ko may masamang binabalak ngayon ang RG? Haha!"
Commentator Waver: "Alam mo ba kung anong sinabi ni Boss sa livestream niya noon?"
Commentator Zia: "Ano?"
Commentator Waver: "Walang technique sa HOK na hindi niya alam."
Commentator Zia: "WOAW!" Gulat na bulalas niya. "Seryuso?"
Commentator Waver: "Mm. Number 1 si Hou Yi in terms of farming eh, tsaka may Dolia so sakaling mag-crowd control 'tong si Liu Shan i-reset lang ni Gem ang ult ni Lucky hindi na makakapag-push si Liu Shan. Mahihirapan siyang mag-push, knowing na may Menki rin sa side ng FTT na malakas ang crowd control."
Tumawa si Commentator Zia: "Minsan talaga hindi rin natin alam yung mindset ng FTT noh? Kakaiba yung pinapakita nila ngayong season, ginugulat tayo pre. Tingnan niyo ngayon yung line-up nila malakas nanaman ang crowd control, nung opening pinakitaan tayo ng true damage na combo ng Honeybam dou tapos nakaraang match nila puro lane management ang line-up, ngayon naman full crowd control. Ano 'to nakaplano ang ilalabas na line-up?"
Commentator Waver: "Kakaiba boi, sinasabi ko sa'yo may niluluto behind ang FTT."
Commentator Zia: "Yeah, at gusto na nga nating makita kung ano nga ba ang niluluto ng FTT laban dito sa Red Giants kaya h'wag na nating patagalin pa. Pasok na tayo sa ating game number 1."
Malakas na sigawan ang maririnig sa audience area nang magsimula ang match. Hawak ni Jacian si Princess Frost na malakas ang crowd control, at Yixing naman ang kalaban niya. Tamang palitan lang ng skills ang ginagawa nila at wala pang nagpupush ng malalim hanggang sa umabot sa four minute mark, nag-spawn ang overlod/tyrant ngunit kinuha kaagad ng RG ang tyrant. Hindi nila hinintay na magkaroon ng advantage at makahanap ng tamang posisyon ang FTT, hindi narin pipilitin pa ng FTT at binigay nalang sa RG.
Tiningnan ni Jacian ang gold lead at si Water ang nangunguna dahil nakailang balik din ito sa may mid lane para kumuha ng minions, binibigay naman ng ka-teammates niya ang gold sa kanya dahil siya ang kanilang carry. Hinintay ni Jacian na dumating ang mga minions sa mid lane turret bago niya iyon ginamitan ng skills. Ngunit habang nag-fafarm siya bigla nalang dumating ang rumaragasang barko ni Sun Ce sakay si Marco Polo at nag-tower dive sila habang pinapaulanan siya ng bala ni Water. Ginamit ni Jacian ang flash palabas ng tower at nagawang iwasan ang mga bala ni Water, ginamit ulit ni Water ang kanyang skill 2 ngunit nag-ibang deriksyon si Jacian, papunta siya sa farm lane. Bumaba sa barko si Water at nagbalak na sundan siya ngunit makikita sa big screen ng arena na lumipad ang phoenix mula sa farm lane patungo sa mid lane at tumama iyon sa katawan ni Marco Polo dahilan para ma-stun ito ng ilang segundo. Natamaan ito ng ult ni Hou Yi!
Nang ma-stun si Water, bumalik si Jacian sa mid lane kasama si Just at Blue na nag-teleport sa mid lane. Ginamit kaagad ni Blue ang combo ni Mayene para sipain si Water pabalik sa tower, gumamit man si Water ng skills para tumakas kayang kaya niya pa rin itong habulin at sipain ng paulit-ulit papasok sa tower dahil sa lakas ng mobility niya, at para kay Water wala na siyang ibang paraan para tumakas.
First blood!
Na-first blood ni Blue si Water. Ilang sandali ang makalipas nang mapatay din ni Just ang clash laner ng RG. Dumating ang mid laner ng RG ngunit tanging corpse nalang ang naabutan niya sa may mid lane. Hindi narin siya nanlaban at nilinis lang ang panibagong wave ng minions.
Maririnig ang sigawan sa audience area dahil sa init ng teamfight sa mid lane.
Commentator Zia: "Maganda sana yung attempt nila Water doon eh pero nakapag-react din kasi agad si Boss at ginamit ang flash para hindi na siya tamaan ng mga bala ni Water."
Commentator Waver: "Yeah, gusto ko yung bilis ni Boss. Akala nga nila Water mamamatay na eh, kasi naka-lock na yung roaming gun dito kay Princess Frost pero nakapag-flash pa. And for Water, siya pa yung na-target kasama pa si Sun Ce."
Commentator Zia: "Kakaibang first blood mula kay Blue ngunit may ilang segundo nalang din mabubuhay na yung ibang members ng RG. Malaking kawalan para sa Team RG kasi si Water yung na-first blood, pero 500 lang naman ang naging kalamangan ng FTT sa gold kaya.. kayang kaya pa habulin."
Binasag ng FTT ang tower sa clash lane at mabilis na nilinis ang minions. Pinadala nila si Lucky sa clash lane para mag-farm doon nang hindi nila nakikita habang nasa baba sila ng mapa para hintayin ang pag-spawn ng overlord/tyrant.
Nakatago si Lucky sa damuhan ng clash lane at ginagamit ang kanyang basic attack para bawasan ang buhay ng turret. Nakatago sa mga damuhan ang FTT habang hinihintay na mag-spawn ang overlord, kinuha nila lahat ng brush at pwesto malapit sa overlord kaya nahihirapang pumasok ang mga players ng RG. Patuloy lang sa pag-clear ng minion wave si Lucky at nag-recall matapos ihatid sa high ground ang mga minions.
Umabot sa 10 minute mark at nag-enhance na ang overlord/tyrant, sinimulan itong kunin ni Just ng dahan-dahan dahil nasa overlord pit narin ang mga players ng RG. Para sa dalawang teams na magaling sa lane management mas importante sa kanila ang overlord kumpara sa tyrant, ayaw nila ng teamfight, ayaw nila ng gulo, ang gusto lang nila ay ipanalo ang laban ng dahan-dahan. Idadaan lang nito sa kakaibang overlord dance at minion wave.
Habang kinukuha ang overlord, nag-rotate si Blue sa mapa at pumunta sa farm lane. Apat na members lang ng FTT ang humahawak ng overlord samantalang limang players ng RG ang naroon. Malakas ang mobility ni Mayene at mataas ang kanyang survivability kaya confident ang FTT na mag-isang ipadala si Blue sa bawat sulok ng mapa.
Nang makita ng RG na pushing ang farm lane ng FTT pinadala nila ang kanilang support para i-clear ang minions. Binitawan narin ni Blue ang farm lane at nag-recall para pumunta sa overlord pit, sampung players na ang sumasayaw sa overlord at nakakadalawang reset na ito dahil walang kumukuha. Nanginginig na nga ang mga audience dahil sila mismo ang kinakabahan sa laban. Dahil sa tagal ng sayawan sa overlord pit pinakita sa big screen ang heart rate ng mga players.
Umabot ng 145 ang heart ng tatlong players ng RG samantalang 94 naman ang heart rate ni Water at Crowd. Sa side ng FTT ay nangunguna ang heart rate ni Jacian na umabot sa 185, nanatiling 49 naman ang heart rate ni Just na siyang pinakamababa sa kanilang lahat.
