Cherreads

Chapter 115 - Chapter 113: Kaya niyo bang mag-doubles sa HUV?

Sumigaw si Lucky at mabilis nitong tinanggal ang noise-cancelling headphones para yakapin si Gem, gumuhit din ang maliit na ngiti sa labi ni Gem na minsan lang nito gawin.

Nakangiting tinanggal ni Jacian ang kanyang noise-cancelling headphones at nilapag sa mesa. Nilinga niya si Just at binigyan ito ng high five, binigyan niya rin ng high five si Blue bago sila tuluyang tumayo at maglakad patungo sa match area ng RG.

Natalo nila ang RG na isa sa mga teams na laging nakakapasok sa semi-finals. Nadurog na sila noon ng RG at binash ng maraming antis, ngunit ngayon, nagawa nilang matalo ang RG at dahil yun sa kakaibang command ni Boss.

Hindi na nagsalita si Jacian nang magharap sila ni Water at bahagya lamang tinapik ang balikat nito, ngunit nang magharap sila ni Crowd sinabihan niya itong, "Looking forward," at bahagya ring tinapik ang balikat nito.

Crowd: "???" Anong looking forward?

Nagpakawala naman si Just ng mahinang tawa. Napanood niya noon ang ilang gameplay ni Jacian at hindi nito hobby ang patayin ang marksman sa early game, inuuna niyang patayin ang jungler para sakupin ang enemy jungle at sirain ang rhythm ng laro. Tinuro rin ito noon ni Jacian kay Just at tinuro niya rin kay White na ginamit naman ni White nung last season laban din sa RG at sa hindi inaasahan nagawa nitong patayin si Crowd na isa sa mga top junglers ng PKL.

Ngayong si Jacian na ang kanilang mid laner, nag-aabang din si Just na madurog ni Boss ang mga top junglers sa PKL at global. Gusto niya nang makita ang assassin mage ni Boss sa tournament.

Si Lucky ang nahuling nakipag-shakehands dahil hindi ito pinaalis ni Water, nasa backstage na sila nang tumakbo si Lucky para habulin sila pabalik sa break room ngunit pagbalik nito sa break room kumatok ang staff at sinabing kailangan si Lucky para sa MVP interview.

Nasa group A na sila ng regular season at mayroon ng interview bawat isang series ng match. Si Lucky ang MVP na may KDA na 5-0-2 at siya rin ang pinakamayaman sa kanilang lahat dahil sa laki ng kanyang gold.

Pagbalik ni Jacian sa break room galing sa CR nakita niyang nakabukas ang TV at mapapanood doon si Lucky na naka-upo sa sofa habang kaharap ang isang host na lalaki. Puti ang background nila at pareho silang naka-side sa camera habang nag-uusap tungkol sa match. Naka-upo sa sofa si Blue at Just habang busy kaka-scroll sa kanilang cellphone, si Gem naman ay nakasandal sa sofa at buryong na nakatingin sa TV. Abala naman sa pakikipag-usap si Mrs. Sojurn sa kanilang lead coordinator na ngayon ay tumatango para sundin ang utos ni Mrs. Sojurn.

Kinuha ni Jacian ang bottled water at ininom iyon bago sumandal sa sofa. Naka-t-shirt lang siya at ang kanyang team jacket ay nakasampay sa harap ng kanyang dibdib habang naka-dekwatro, hinihintay niya ang pag-uusapan ng dalawa.

Makalipas ang ilang sandali, nagsimula ng magtanong ang lalaking host. "Lucky, nung game number 1 anong nangyari bakit hindi niyo natalo ang RG tapos bigla kayong bumawi sa game 2 at 3?"

"Nung game 1, siguro hindi pa ganun kaayos yung plano namin tsaka in-expect narin namin na matatalo kami ng RG. Nanalo kami nung game 2 at 3 dahil nakakuha kami ng strategy sa game 1 na sisira sa rhythm ng RG." Seryusong sagot ni Lucky.

"Nung game 2, sobrang galing mo sa game 2 doon sa part na pagnakaw mo ng tyrant. Napasigaw nga kami eh pati ang mga audience, paano nangyari yun? Kasama ba 'yun sa plano niyo?"

Tumango si Lucky. "Kasama po. Actually, nag-doudoubles kami ni Boss kapag busy ang iba naming teammates at siya ang nagturo sa akin nun. Sinabihan niya ako na kayang kunin ng ult ni Hou Yi ang dalawang objectives kaya sinubukan po namin." Natatawang sagot ni Lucky. Matagal na nilang pinractice yun ni Jacian ngunit ngayon lang nila naalalang gamitin. Sinabi ni Jacian na magsasayang lang sila ng oras na makipag-agawan ng objectives kaya imbes na makipag-agawan pinapunta nalang nila ni Blue doon sa tyrant pit para magbigay ng vision, si Jacian ang tumitingin ng HP at si Lucky naman ang kukuha ng tyrant.

Namangha ang lalaking host. "Mahirap yun ah, dapat calcu mo ang HP at limang players pa ng RG ang nandun."

"Yeah, pero si Boss din kasi ang nag-command."

"Si Boss ang nag-command? So siya ang nag-calcu ng HP ng tyrant?"

Tumango si Lucky. 

"Wow, bakit parang si Boss ang dahilan ng pagkapanalo niyo?" Pabirong tanong ng host atsaka tumawa.

"Siya kasi yung commander ng team namin eh kaya kalahati ng result siya ang dahilan."

Nagtanong pa ang host tungkol sa game 3 at sinagot naman iyon ni Lucky hanggang sa matapos ang interview.

May dalawang araw pa bago ang next match nila ngunit nagpauna na si Mrs. Sojurn na magkakaroon sila ng practice match sa GOT-G bukas. Team HUV ang makakalaban nila next match na isa sa mga teams na laging nakakapasok sa domestic finals at global competition. Kung gusto nilang makapasok sa global competition, kailangan nilang matalo ang HUV at GOT-G.

Umaga palang nang makatanggap ng message ang manager ng FTT na kinukuha si Boss ng isang company na mag-commercial ng gaming gear. Pinaalam na iyon ng kanilang manager kay Mrs. Sojurn at sinend din nito kay Jacian ngunit tulog pa ang mga players ng FTT kaya nanatiling walang sagot sa message ng kanilang manager.

Ilang oras pa ang makalipas bago nagising si Jacian at nakita niya kaagad ang message ng kanilang manager pagbukas niya palang ng kanyang cellphone. Hindi niya alam ang i-rereply niya kaya pumasok nalang siya sa CR at nagdesisyong bumaba para pumunta sa training room, mayroon silang practice match ngayon sa GOT-G sabi ni Mrs. Sojurn kahapon ngunit hindi naman nito sinabi kung anong oras kaya gusto niyang tingnan kung nasa training room na ba ang iba niyang teammates.

Pagbaba niya sa first floor, nakita niyang naka-upo doon ang magandang kapatid ni Just na si Gretil. Kumakain ito ng taho habang nanonood ng cartoons sa TV. Nanlaki ang mga mata ni Jacian at mabilis na nilibot ang paningin sa loob ng base para hanapin kung nasaan si Spree ngunit hindi niya naman ito nakita kaya nakahinga siya ng maluwag. Wala nanaman sa base ang aso niya simula pa nung dumating si Gretil kaya sigurado si Jacian na magugulat nanaman yun kapag nakakita ng ibang tao. Lalo na sa bata, napansin ni Jacian na maliban kay Just galit sa mga bata ang aso niya.

Naglakad siya patungo sa living room at umupo sa sofa kaharap ng sofa'ng inuupuan ni Gretil. Tinanong niya ito kung nasaan si Mrs. Sojurn at sinabi naman ni Gretil na may pinuntahan, hindi narin nagtanong pa si Jacian dahil napansin niyang sarap na sarap ito sa kinakaing taho. Binuksan niya nalang ang kanyang cellphone at binasa ang chat sa kanilang gc na professional crappy players. Nanalo sila sa RG at maraming nag-congrats sa kanila galing ibang teams. Todo ang pasalamat ni Kai sa FTT dahil inubos niya lahat ng kanyang barya itaya lang sa FTT.

Matapos bigyan ng heart react ang mga nag-congrats sa kanila, pinatay na ni Jacian ang kanyang cellphone at inilagay iyon sa kanyang bulsa. Ilang sandali ang makalipas nang magising ang iba niyang teammates at pumunta sa living room bitbit ang isang basong kape.

Nilaro ni Lucky si Gretil habang si Gem naman ay buryong na umiinom ng kape. Nasa ganun silang sitwasyon nang bumukas ang pinto ng base at pumasok si Mrs. Sojurn, nasa likuran nito si Just na naka-hoodie ng blue at short na itim. May hawak itong bottled water at may panyo sa balikat na pinampupunas nito sa kanyang mukha na may pawis.

Sinabi sa kanila ni Mrs. Sojurn na ngayong umaga ang practice match nila sa GOT-G at gagamitin nila ang training room ng second floor. Umakyat na sila sa second floor samantalang bumalik naman si Just sa kanyang dorm para maligo. Habang inaayos nila ang mga equipment nakipagkasundo si Mrs. Sojurn sa coach ng GOT-G para sa rules ng practice match, inayos narin ni Jacian ang equipment ni Just nang makitang wala pa ito.

Saktong dumating si Just nang matapos ang pag-uusap ni Mrs. Sojurn at ang coach ng GOT-G. BO1 lang ang kanilang match dahil ang sabi ng coach ng GOT-G may gagawin sila ngayong araw at umaga lang ang kanilang free time. Sumang-ayon naman si Mrs. Sojurn dahil kakatapos lang ng match nila kahapon sa RG at ayaw niyang i-pressure ang FTT bago ang playoffs.

Nagpa-schedule siya ngayon ng practice match sa GOT-G dahil gusto niyang subukan kung gagana parin ba ang kanilang marksman core sa Team GOT-G na parehong malakas ang jungler at mid laner. Hindi mahalaga kung manalo sila o matalo. Ang rules nila ngayon ay kung sino ang unang maka-ACED siya ang mananalo.

Magaling ang GOT-G pagdating sa snowball kaya inaasahan na kaagad ni Mrs. Sojurn na magiging kawawa si Lucky pagdating sa laning. Hindi nga nagkamali si Mrs. Sojurn, sa loob ng 4 minutes may dalawang deaths na kaagad si Lucky dahil para mahuli ito pagdating sa gold. Si Lessen ang pinakamayaman sa gold at kompleto narin ang kanyang core items kaya mahapdi na ang damage niya, ilang beses niyang ginank si Jacian at Lucky kaya 5 na ang kanyang kill nang magkaroon ng teamfight sa may enhance tyrant. Sa huling teamfight, walang kahirap-hirap na na-ACED ng GOT-G ang FTT at limbreng tyrant pa ang nakuha nila.

Sobrang lakas ng damage ng GOT-G at walang mahanap na solusyon ang FTT para pinigilan ang pagsakop nila sa kanilang jungle. Napilitan silang mag-teamfight sa tyrant dahil kung hindi sila makikipag-agawan sa objectives hindi rin sila mananalo sa match, natapos ang kanilang practice match ng 10 minutes at 25 seconds matapos ma-ACED ang FTT, nanalo ang GOT-G sa kanilang practice match na siyang in-expect narin ng FTT kaya tahimik nalang nilang nilapag sa mesa ang kani-kanilang gaming phone at tinanggal ang noise-cancelling headphones.

Nagkaroon sila ng discussion tungkol sa panibagong core-system na gagamitin nila laban sa Team GOT-G habang nirereview ang match. Bagaman, next week pa ang laban nila sa GOT-G dahil sa susunod na araw ay HUV ang makakalaban nila, malakas ang clash laner ng HUV na si Alone na siyang captain din ng team at si Kai na siyang jungler ng team at isa mga kaibigang jungler ni Just. Nagdesisyon si Mrs. Sojurn na si Lucky parin ang magiging core nila sa game 1 ngunit kung hindi sila manalo sa game 1, susubukan nilang kumuha ng assasins hero. Malakas ang kutob nila na matatalo sila sa game 1 at mapipilitang gamitin ang kanilang strategy na para sana sa playoffs, pagkatapos ng kanilang meeting pinayagan na sila ni Mrs. Sojurn na bumalik sa kani-kanilang dorm samantala palabas na ng pinto sina Jacian at Just nang tawagin sila ni Mrs. Sojurn.

"Kaya niyo bang mag-doubles sa HUV? Sa susunod na araw na yun." Ani Mrs. Sojurn.

"Kaya, Coach." Saad ni Jacian at nilinga si Just. Nagpakawala naman si Just ng mahinang 'Mn' habang nag-i-scroll ito sa kanyang cellphone. Ang kanyang kaliwang kamay ay nakasuksok sa kanyang bulsa.

Tinanguan sila ni Mrs. Sojurn at tiningnan si Jacian. "Nga pala, Jacian. Nakita mo ba ang message sa'yo ng manager?"

Tumango si Jacian.

"Anong desisyon mo? Tatanggapin mo ba ang offer?"

Napakamot si Jacian sa kanyang leeg para mag-isip, sa katunayan hindi ito ang unang beses na may umalok sa kanya para mag-commercial, maraming umaalok sa kanya noon nung streamer pa siya ngunit karamihan ay mga beauty products kaya nirereject niya. 

Sasagot na sana siya ngunit nagsalita si Just.

"Anong offer?" Tanong nito sa kanya.

"Mag-commercial ng gaming gear." Sagot ni Jacian.

"Bakit hindi mo tanggapin? Sayang yun."

Jacian: "..." Tiningnan niya si Mrs. Sojurn atsaka tumango. "Tatanggapin ko nalang Coach, kung hindi nakakaabala sa training."

"Ako na maghahatid sa'yo." Ani Just.

Nilinga niya si Just dahil sa sinabi nito at nagpaalam ng umalis.

More Chapters