Cherreads

Chapter 161 - Chapter 159: Bullshit! Mga straight pa ba kayo?!

Habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa retirement ni Water, bahagyang napadaing si Gem nang iangat niya yung bote ng coke.

Takang nilinga siya ni Lucky. "Oh, injured ka 'rin?" Aniya habang ngumunguya.

Hindi naman siya pinansin ni Gem at sinalinan lang ng coke ang kanyang baso.

"Anong nangyari?" Tanong ni Blue.

Sumagot naman si Lucky. Sinabi niyang yayayain niya sana ng date yung nililigawan niya pero paalis palang siya nang mag-chat sa kanya si Gem para singilin siya sa utang. Napamura siya at mabigat ang daliring nagtipa para tanungin kung anong utang ngunit wala nang reply si Gem. Hindi siya natuloy kaya nagdesisyon nalang siyang bumalik sa base dahil sayang naman yung bihis niya, bumili pa siya ng bagong damit. Pagbalik niya sa base kinaladkad niya si Gem palabas ng kusina at tumama ang balikat nito sa gilid ng pintuan.

Madilim ang mukha ni Lucky habang kinukwento niya 'yun. "Wala talaga ako sa mood, at sino namang gaganahan makipag-date kung iniisip mong may utang ka?" Reklamo ni Lucky at walang ganang kinain ang paborito niyang chicken wings.

Malamig siyang tiningnan ni Gem. "May utang ka naman talaga sa akin, nung umuwi ka inyo pagkatapos ng regular season. Nanghiram ka sa akin ng 2000 hanggang ngayon hindi ka pa nagbabayad, dalawang buwan na yun." Kalmadong lintaya ni Gem at nilapag ang bote sa mesa.

Lucky: "..........?"

Hinukay niya sa kanyang memorya yung sinasabi ni Gem at ilang sandali nang maalala niya, unti-unting nagbago ang kanyang ekspresyon. Nakangiti niyang nilinga si Gem.

"Ay Oo. Nakalimutan ko." Amin ni Lucky. "Kulang yung dala kong pera n'on tapos nagpabili ng bag yung girlfriend ko. Tsk! Tapos ilang buwan lang din kami." May panghihinayang na saad ni Lucky ngunit mabilis din namang nagbago ang kanyang ekspresyon. "Pero dapat hindi mo ako siningil, may lakad ako eh." Reklamo niya parin.

"'Di ko naman alam na may date ka."

"Matik na 'yun." Mapait na saad ni Lucky. Tuwing walang training at off-season isang bagay lagi ang ginagawa ni Lucky, ang maghanap ng kadate.

Jacian: "..."

Tahimik lang sila habang nakikinig sa dalawa, hindi narin naman nagsalita si Gem at hindi na pinatulan si Lucky ngunit kitang-kita ang pagkalugi sa kanyang mukha, siya na yung nagpautang sumakit pa yung balikat niya.

Pagkatapos ng post ng RG tungkol sa retirement ni Water, wala na silang update tungkol doon at wala ring paramdam yung account ni Water sa loob ng ilang araw. Tahimik na ang gc ng professional crappy players na ginawa ni Water matapos siyang mag-left doon. Hindi narin nag-online ang mga teammates niya maliban kay Crowd at sinabi nitong baka hindi na sila makakasama sa susunod na season. Isa ang RG sa pinakamalalakas na team sa PKL kaya hindi matanggap ng mga fans yung retirement ni Water, nawalan na sila ng top-tier clash laner nung umalis si Ning tapos ngayon nawalan nanaman sila ng Filipino shooter. Sa tatlong magagaling na players ng RG, si Crowd nalang ang natitira. Ano nalang ang mangyayari sa RG?

Wala pa 'ring plano ang club ng RG para sa kanilang team dahil ayon kay Crowd, hindi rin naman kumikilos ang kanilang club. Hindi niya rin alam kung mananatili siya sa RG o lilipat sa ibang team, maraming team ang nagrerecruit ng mga players kaya hindi mahirap maghanap ng bagong team, pero matagal pa naman ang susunod na season kaya pinawalang bahala muna iyon ni Crowd at hinatid sa airport si Water kasama ang kanilang teammates.

Mabilis na lumipas ang araw at sa isang kisap ng mata, third week na ng October, bumalik na si Coach Dang sa base para simulan ang kanilang training. Alam ni Coach Dang ang tungkol sa MPG na siyang nanalo ngayon sa KPL bilang domestic champion, ang Chongqing Prince na laging nananalo sa KWC at EWC ay nagawa nilang paalisin sa trono. Maging si Coach Dang ay namangha sa kanilang marksman na si LittlePrince dahil sa kanyang perfect gameplay, ngayon lang nakakita si Coach Dang ng ganung klaseng marksman user. Literal na ginampanan niya kung ano ang trabaho niya, kaya niyang protektahan ang kanyang teammates at pabagsakin ang tower, kung hindi nagkakamali si Coach Dang si LittlePrince din yung commander ng team.

Kalat na sa e-sports circle yung pagkatalo ng Chongqing Prince at pagiging domestic champion ng MPG, halos lahat ng team sa iba ibang region ay nakakaramdam ng pangamba dahil sa bagong team na makakalaban nila ngayong darating na global competition. Kung titingnan ang kanilang Weibo, mabilis na dumami ang kanilang followers at umabot kaagad iyon ng 6 million, halos karamihan sa mga fans ng Chongqing Prince at WH ay lumipat sa kanila at laging sila ang laman ng hot search.

Sa kanilang lima si LittlePrince ang pinakasikat at mayroon itong 4.3 million followers sa kanyang account. Maliban sa malakas siya, gwapo rin ang kanyang mukha at matangkad, hindi siya katulad ng ibang pro players na maraming tigyawat at bakat ang eyebags, sobrang kinis ng kanyang balat at p'wede nang pang commercial ng beauty products. Kaya naman halos lahat ng fans niya ay puro babae at laging nagpapansin sa comment section.

Sa sobrang pogi ni LittlePrince, hindi lang babae ang nagpapansin sa kanya, pati narin ang mga Chinese male streamers ay nag-cocomment sa kanyang post para manotice. Isang beses lang itong nag-live sa RedNote pero umabot kaagad ng 113 million ang views at bato ng bato sa kanya ng mga gifts, sa dami ng gifts na sinend ng mga fans siguradong umabot kaagad iyon ng 150 thousand yuan.

Ngayong araw lang ito nag-live at 30 minutes ago palang, naka-t shirt ito ng itim at pants na gray na maraming bulsa. Halatang bagong ligo lang din ito dahil basa pa ang kanyang buhok at tumalsik pa ang tubig sa camera nang suklayin nito ang kanyang buhok. Natawa ito at nag-sorry sa mga viewers bago niya pinunasan ang webcam.

Hindi maiwasan ni Lucky ang hindi mapalunok. "Holy shit, kay poging lalaki nahulog ba 'to galing sa kalawakan?!" Hindi maiwasang bulalas niya."Sigurado ba talaga siya na e-sports circle yung papasukin niya? Baka akala niya acting industry 'to?"

"Gwapo naman talaga yung mga Chinese, kahit yung mga steamers at vloggers nila ang popogi."

"Mn." Seryusong tugon ni Gem habang kumakain ng mani.

Lumapit naman si Jacian kay Lucky para tingnan ang livestream ni LittlePrince at napatango siya. "Pogi." Aniya habang may subong lollipop.

Natawa si Lucky at tiningnan si Just sa tabi niya na abala sa pagcecellphone bago ibinalik ulit kay Jacian ang kanyang paningin. "Pogi 'to? Eh si Captain?"

"Pogi 'din." Seryusong sagot ni Jacian.

Coach Dang: "!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Holy shit! Anong nangyayari sa mga players niya?!

"Bullshit! Mga straight pa ba kayo?!"

Sila: "........."

Itinuloy na nila ang kanilang training matapos magpahinga, hindi naman sila hinigpitan kaagad ni Coach Dang at pumili lang ng mga hero na kailangan nilang i-training. Nireview narin kaagad nila yung mga practice match nila dahil wala rin naman silang gagawin. Ang goal nila ay maging World champion kaya kailangan nilang sipagan.

Sa November pa naman ang alis ng mga players papuntang Riyadh ngunit wala pa 'ring update ang kanilang club kung anong araw sila aalis, nakausap na ni Coach Dang yung ibang club pero hindi nila iyon makakasama dahil mismong PKL ang nag-organized ng flight at kasama nila patungo sa Riyadh ang mga committee.

Kumuha lang sila ng passport sa online para mabilis ang proseso, mabuti nalang at nakahingi si Jacian ng valid ID sa kanyang land lady nakaraan nung dumalaw siya dahil kailangan ng valid ID ng guardian. Hindi na nila kailangan pumunta sa mismong opisina para kunin ang passport dahil door-to-door iyong idedeliver sa kanilang base.

Hindi tuloy makagala si Lucky at kailangan niya pang hintayin ang linggo para makalabas siya sa loob ng isang araw. Kung tatakas siya sa base para gumala siguradong i-tetext nanaman siya na mayroong training, kung hindi naman siya i-text ibabawas iyon sa kanyang sweldo. Kaya nanatili siyang nasa base dahil wala na siyang pera at kailangan niya pang bayaran ang utang niya kay Gem. Buryong na si Lucky dahil sa sunod-sunod at nakakantok na training nitong mga nagdaang araw at alam ng gaming phone kung gaano niya hiniling na sana matapos na ang October para makapunta sa sila sa ibang bansa.

Nasa loob si Jacian ng kanyang dorm habang naglalaro ng PUBG sa kanyang computer, suot niya ang itim na noise-cancelling headphones habang nakasandal sa gaming chair. Dalawang matataas na cup noodles ang nakalapag sa kanyang mesa na wala ng laman at nagkalat na ang balat nun sa sahig, pagkatapos ng isang game, maririnig ang lagatak ng keyboard at inangat niya ang kanyang kamay para kunin ang noise-cancelling headphones at isabit sa kanyang leeg.

Kinuha niya ang checherya na nakalapag sa mesa at kumain habang nakatingin sa screen na may nakasulat na 'Winner Winner Chicken Dinner'

Maya-maya lang tumunog ang kanyang cellphone at nag-popped up ang chat ni Chase. Niyayaya siya nitong lumabas. Pupunta na sila sa Riyadh next week dahil kasalukuyang last week na ng October at hindi pa natutupad ni Chase yung sinabi niyang ililibre siya.

Matutuwa sana si Jacian kung nakaraang araw pa ito sinabi ni Chase, gusto niya ring lumabas pero masakit ang tagiliran niya ngayon matapos niyang kainin yung dalawang matataas na cup noodles. Pupunta sana siya ng training room kanina ngunit pagtayo niya biglang may kumurot sa kanyang tagiliran at hindi na siya makalakad, kaya nagdesisyon nalang siyang maglaro ng PUBG.

Dahil hindi siya makalabas, sinabi niya nalang kay Chase na bumisita nalang siya sa base. Kinuha ni Jacian ang kanyang cellphone at mabagal na lumabas sa kanyang dorm, uminom narin naman siya ng maraming tubig kaya medyo humupa yung kirot, para bang may dumakot sa tagiliran niya at hindi niya alam kung makikiliti ba siya o mapapangiwi dahil sa kirot.

Pagbaba niya ng hagdan nakasalubong niya si Just at nagtataka siya nitong tiningnan.

"Bakit ganyan ka maglakad?" Tanong nito. Kakatapos lang nito mag-jogging at may hawak pang bottle water.

Napahawak naman si Jacian sa kanyang bewang at sinabing masakit ang tagiliran niya.

"Marami pang cup noodles dun, puno pa yung isang estante." Sarkastikong sabi sa kanya ni Just at nagpatuloy na ito sa pag-akyat.

Ngumiti lang si Jacian at bumaba para hintayin si Chase sa living room. Ilang sandali ang makalipas nang tumunog ang doorbell, binuksan ni Jacian ang pinto at pinapasok si Chase. Naka-hoodie jacket si Chase at pants na blue, tinanong ni Jacian kung anong sinakyan niya at sinabi ni Chase na hinatid siya ng team van, nasa garage yung team van nila para hintayin siya.

"H'wag ka ng umuwi, dito ka na matulog." Ani Jacian.

Umiling si Chase. "May practice match kami bukas boi, wala akong substitute kailangan ako dun." Sagot ni Chase. "Pauwin ko nalang yung driver namin tapos magpapasundo ako mamayang gabi?" Suhestiyon ni Chase.

Tumango si Jacian. Dinukot ni Chase yung kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang trouser at naglakad sila ni Jacian patungo sa living room habang nagtitipa. Nilapag niya sa mesa ang bitbit niyang paper bag at umupo sa sofa. Pag-angat niya ng mukha bahagya siyang natigilan nang makitang mabagal na naglakad si Jacian palapit sa sofa at hinawakan ang kanyang bewang para lang makaupo.

Chase: "!!!"

Kinuha ni Jacian ang kanyang cellphone at nilapag iyon sa mesa, pero natigilan siya nang makita ang itsura ni Chase.

"Ano 'yan?" Nagtatakang tanong ni Jacian at nagsalin ng tubig sa baso.

"B-bakit ganyan ka maglakad?" Mahinang tanong ni Chase. Tiningnan niya pa ang paligid kung may tao bago siya nagtanong.

Nilapag ni Jacian ang pitsel at nilapit sa kanya ang baso. "Sobrang cup noodles ko ata 'to." Sagot niya.

Nakahinga naman ng maluwag si Chase at tumango. Tinanggal niya ang suot niyang hoodie at nilapag iyon sa kanyang kandungan, naka-t shirt siya ng puti na may maliliit na design sa dibdib.

"Kamusta naman sa base namin?" Tanong ni Jacian.

Nilibot naman ni Chase ang kanyang paningin sa bawat sulok ng base. Malaki at malawak ang base ng FTT, kulay puti ang pintura at walang masyadong design kaya napakaaliwalas, may mga halaman din sa bawat suot kaya napakakalmado ng paligid.

Tumango si Chase. "Maganda, hindi magulo. Pero, andaming water dispenser." Saad ni Chase habang nakatingin sa bawat sulok ng base.

"Mga acidic kasi yung mga tao dito."

Natawa si Chase. "Ikaw lang ata yung acidic."

Napakibit balikat naman si Jacian. "Hindi ko alam kay Mrs. Sojurn kung bakit nagpalagay siya ng maraming water dispenser." Tanging sagot nalang ni Jacian.

More Chapters