Charlene's POV
Hindi ko alam kung sasaya ba ako o kakabahan sa nangyayari ngayong araw. Masaya naman talaga ako dahil sa wakas ay nakita ko na si Enan, pero kinakabahan din ako dahil damang-dama ko ang mainit na tingin ni Kerill sa kanya.
Nalaman ko kasi kanina na si Enan pala ang bagong asawa ni Monica, at ang mas malala pa rito, siya rin ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Kerill. Ang liit nga naman ng mundo, at ngayon ay naiipit pa yata ako sa pagitan nilang dalawa.
Nandito kami ngayon sa isang restaurant, malapit lang sa pinuntahan namin kanina. Kasama ko silang dalawa, at buti na lang hindi sumama si Monica dahil napilit siya ni Enan na umuwi. Hindi ko talaga alam kung anong mangyayari kapag nagkasama kaming apat.
"Kamusta ka na, Charlene?" tanong ni Enan. Napangiti ako.
"Okay lang naman. Ikaw ba?"
"I'm doing fine. Grabe 'noh? Ilang years din tayong hindi nagkita."
"Kaya nga eh. Kaya nga pumunta ako ng Maynila para baka sakaling mahanap kita rito. Hindi ka na kasi bumalik sa probinsya," sabi ko, at hindi ko naitago ang lungkot sa boses ko.
"I'm sorry," sabi niya, sabay hawak sa kamay ko. Pero biglang tumikhim si Kerill sa tabi namin habang umiinom ng juice. Naintindihan naman iyon ni Enan kaya binitawan niya ako.
"I've been busy these past few years. My dad passed away, kaya maaga pa lang kailangan ko nang patakbuhin ang kompanya namin. Kung hindi nga siguro ako nagbakasyon sa probinsya ninyo, hindi ko mararanasang maging bata. You know, I tried to find you on every social media, pero parang wala ka namang account. Binalak ko ring umuwi sa probinsya ninyo, pero laging nade-delay ang flights ko o may nagiging problema. But look now, 'di ba? Dito pa tayo nagkita."
Sobrang lapad ng ngiti niya habang nakatingin sa akin. Grabe, ang lakas ng dating niya ngayon kumpara noong bata pa kami. Mas malinis at professional na siyang tingnan—gwapo, at malaki na rin ang katawan. Ibang-iba na sa payatot niyang itsura noon.
Kung siguro wala pa siyang asawa, baka magustuhan ko pa siya.
Sino ba naman kasing mag-aakala na halos gawin ko na lahat noon para lang mahanap siya, pero ngayong nasa harapan ko na siya, parang… okay na lang. Alam mo 'yong pakiramdam na excited ka, pero hindi na katulad ng dati? Isa siya sa pinakaimportanteng tao sa akin, pero parang may nagbago.
"Matutunaw naman ako niyan," natatawa niyang sabi, kaya bumalik ako sa realidad. Napangiti na lang ako nang pilit at humugot ng malalim na hininga.
"Ay, sandali. May ibibigay pala ako sa'yo." Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang bagay na matagal ko nang iniingatan.
"Wow! Nasa'yo pa pala 'yan," sabi niya habang kinukuha ang panyo na ibinigay niya sa akin noon.
"Oo. Itinago ko 'yan dahil gusto kong kapag nagkita tayo ulit, maisusuli ko na sa'yo," sabi ko, at hindi ko mapigilang mapangiti habang bumabalik sa alaala ko ang lahat ng pinagsamahan namin.
"Thank you, Charlene. Thank you for searching for me." Hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinila ako para yakapin. Nagulat ako sa ginawa niya, pero hindi ako nagreklamo. Napangiti na lang ako at niyakap din siya nang mahigpit.
Hindi ko tuloy maiwasang maisip… what if wala kami sa posisyong ito? 'Yong walang mga taong namamagitan sa amin? Magiging kami kaya? Alam ko naman sa sarili kong gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya… noon.
Siguro kung nahanap ko lang siya nang mas maaga, siguro ako ang kasama niya ngayon.
"Are we done?" biglang sabat ni Kerill. Kaagad akong binitawan ni Enan.
"I'm sorry. Na-carried away lang ako," sabi nito.
"Tsk. I'm asking if we're done here. Because MY WIFE and I need to go home. Naghihintay pa ang mga anak namin sa bahay," dagdag ni Kerill, halatang inip na inip na.
"Sandali lang…" Hinarap ko ulit si Enan.
"Pwede mo ba kaming matulungan sa kaso? Baka naman pwede mong mapakiusapan si Monica na—"
"Charlene." Maawtoridad na tawag ni Kerill sa pangalan ko.
"What are you doing?" inis niyang tanong.
"Baka lang naman matulungan niya tayo—"
"I don't need fucking help from anyone. Especially from this bastard! Let's go home before I do something I might regret." Sabay hila niya sa akin patayo.
"Aray! Nasasaktan ako, Kerill!"
Sobrang higpit ng kapit niya sa braso ko kaya masakit talaga.
"Hey, don't hurt her—" Tumayo si Enan para awatin siya, pero pinutol lang ni Kerill.
"Don't meddle with our business. Why don't you just go home and enjoy your day with your wife? Let's go!"
Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako palabas. Kaagad niyang pinaandar ang sasakyan pauwi.
Pagkarating namin sa bahay, kinompronta ko siya.
"Ano bang problema mo, ha?" inis kong tanong habang naglalakad kami papasok.
"My problem? Why don't you ask yourself? Bakit ka pa sumama doon sa lalaking 'yon?!"
Napabuntong-hininga ako.
"Kababata ko siya, Kerill! Alam mong hinahanap ko siya noon pa man. Bago pa ako mapunta sa buhay mo, siya na ang hinahanap ko!"
"Oh really?! Edi sumama ka doon! Why don't you go with him, katulad ng ginawa ni Monica—"
"'Wag na 'wag mo akong ikokompara kay Monica!" inis kong sagot.
"Nilapitan ko siya dahil masaya ako na nahanap ko na siya ulit. Bakit ba hindi mo 'yon maintindihan? Ang kitid-kitid ng utak mo! Tapos kanina, nagbabakasakali lang naman ako na baka matulungan niya tayo, tapos nagdabog ka doon? Paano kung kaya niya pala tayong tulungan? Ayaw mo ba no'n? Ayaw mo bang mabawi ang mga anak mo?"
"I already told you, hindi ko kailangan ng tulong niya. I can win this without anyone's help!"
Natigilan ako at napaatras. Nasaktan ako sa sinabi niya.
"Hindi mo na pala ako kailangan."
Tumaliko na sana ako para umalis, pero nagsalita siya.
"Because I'm jealous!" malakas niyang sabi, dahilan para mapatigil ako.
"I'm fucking jealous, Charlene. Nagseselos ako dahil ngumingiti ka sa kanya. Nagseselos ako dahil nakita mo na siya ulit, because I know how much you cared for him. I'm jealous because I'm afraid to lose you."
Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likuran.
"Natatakot akong kunin ka niya sa akin, katulad ng ginawa niya kay Monica. He stole her from me, at alam kong kaya ka rin niyang kunin sa akin. Natatakot ako, Charlene."
Inilapat niya ang ulo niya sa balikat ko habang mahigpit akong yakap.
"Wala ka bang tiwala sa akin?" mahina kong tanong. Lumingon siya sa akin.
"Hindi naman nagbago ang nararamdaman ko para sa'yo kahit na dumating pa siya. Oo, matagal ko na siyang hinahanap dahil importante siya sa akin. Pero, Kerill… mahal kita. Kung mahal mo ako, pagkatiwalaan mo ako na hindi ko gagawin sa'yo ang ginawa ni Monica. Tiwala lang ang hinihingi ko sa'yo, Kerill. Tiwala lang."
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.
"I'm sorry. Natakot lang ako."
Hinalikan niya ako sa pisngi.
"Mahal kita. Mahal na mahal kita."
"Mahal din kita, Kerill."
Mahal kita para piliin ka nang paulit-ulit, kahit nasasaktan na ako at nahihirapan.
